Money Lessons From the Parody Song “Manok na Pula”

Narinig mo na ba yung trending na kantang “Manok na Pula”?

Kung hindi pa, panoorin mo dito.

Kwento ito ng isang lalaki na imbes na ipinadala ang pera ng misis ay pinangsabong nya ito at… natalo.

Nakaka tawa itong kantang to, pero may matututunan tayo dito lalo na pagdating sa personal finance.

Ano nga ba ang mga money lessons na matututunan natin dito?

1. Wag magpapa silaw sa mga bagay na hindi pa naman kailangan.

Sa kanta, nasilaw sa sugal ang lalaki kaya imbes na ihulog nya ang pera ng misis nya sa Palawan (pawnshop), napunta ito sa sabungan.

Alam mo, kagaya nung lalaki sa kanta, halos lahat tayo ay nasisilaw din.

Nasisilaw tayo kapag may mga sale sa mga malls or kapag may lumabas na mga bagong gadgets.

So ang nangyayari, yung pera na gagamitin sana natin para sa pamilya or para sa mas mahalagang bagay ay napupunta sa mga bagay na nakaka-silaw sa atin.

Kailangang alamin at iwasan natin ang mga bagay na nakaka distract sa atin kaya naga-gastos natin ang pera natin sa mga bagay na hindi naman natin kailangan.

2. Wag maging masyadong gahaman sa pera.

Sa isip nung lalaki sa kanta, palalakihin nya muna yung pera nya sa pamamagitan ng pag tataya sa sabong.

Ganun ang nagiging pagkakamali ng madami sa atin. Meron silang get-rich-quick mentality.

Sa mga taong nagmamadaling makakuha ng instant success, karamihan sa kanila nabibiktima ng mga scams.

Meron ding mga nalululong sa sugal.

Walang katiyakang manalo sa sugal. In fact, mas marami ang natatalo sa sugal kaysa sa mga nananalo dito.

At dahil na din sa pagiging gahaman sa pera, maraming tao na nasa matataas na posisyon sa lipunan ang natutuksong gumawa ng mali at nasisira tuloy ang kanilang karera at pangalan.

Kailangan nating kontrolin ang greed, or ang pagiging gahaman natin sa pera.

3. Unahin muna natin ang mga Needs kaysa sa mga Wants.

Sa kanta, inuna ng lalaki ang sabong kaysa sa pangangailangan ng pamilya nila.

Minsan, nagkakamali tayo sa mga priorities natin.

Gusto natin ng mas masarap na buhay kaya mas pinapa halagahan natin ang mga bagay na hindi naman talaga natin kailangan gaya ng pag kain sa labas at bakasyon kahit kapos naman ang budget.

Wag nating unahin ang mga luho natin upang sa bandang huli hindi tayo maluha.

At ang huling money lesson mula sa kantang “Manok na Pula” ay…

4. Wag maglihim sa asawa lalo na pag dating sa pera.

Sa ending ng kanta, dahil tinaya nya ang pera ng misis nya sa manok na pula at natalo pa, bugbog ang inabot ni mister kay misis.

Champion din pala sa Taekwondo si misis.

Sa mga mag-asawa, dalawa dapat kayong nagde-desisyon pag dating sa mga gastusin.

Magusap muna kayo. Mag kasundo muna kayo bago kayo gumastos.

Ang problema kasi, kapag hindi kayo nagkasundo at ginastos mo na agad ang pera nyo, siguradong mag a-away kayo.

Sana marami kang natutunan dito.

Comment ka sa baba or i-message mo ako kung ano pa ang masasabi mo sa kwento ng manok na pula. 🙂

About The Author

Related Posts

Leave a Reply