Saving Strategy: Pay Yourself First

Alam mo ba ang dahilan kung bakit hindi nakakapag ipon ang karamihan sa ating mga Pilipino?

Hindi kasi nila alam ang tamang ‘formula’ sa pag-iipon.

Formula? Mathematics? Parang masakit ata sa ulo yun ah.

Opo. Formula na kagaya ng sa Mathematics. Pero simpleng-simple lang, hindi sasakit ang ulo mo at nakaka-alis pa ng sakit sa bulsa.

Eh ano ba yung formula na yun?

Ganito ang nakasanayan nating formula ng pag-iipon:

Sweldo – Gastos = Ipon

Ibig sabihin, kung ano ang matira sa sweldo, yun lang ang naiipon natin.

Kaso may natitira nga ba?

Kadalasan wala.

Ang masama pa nito, minsan mas marami ang gastos natin kaysa sa sweldo.

Hindi pa tapos ang kinsenas, ubos na ang pera at nagkakautang pa tayo.

Wrong move!

Para makapag-ipon tayo, kailangan nating baliktarin ang naka gawian nating formula.

Ganito ang tamang formula sa pag-iipon:

Gastos = Sweldo – Ipon

Ibig sabihin nito, ibabawas natin kaagad ang ipon pagkatanggap palang natin ng sweldo.

At kung ano ang matira, yun lang ang gagastusin natin.

Ito yung tinatawag na “Pay Yourself First” formula.

Unahin mo munang bayaran ang sarili mo.

Ayon sa librong “The Richest Man in Babylon,” isa ito sa mga pinaka mabisang technique ng pag-iipon

Sa ganitong style kasi, hindi ka na magiging conscious sa mga pinagkaka-gastusan mo.

Hindi mo din kailangang limitahan ang perang ginagastos mo kasi nga may natabi ka na nung araw palang ng sahod.

Pwede mo pang palaguin ang ipon mo sa pamamagitan ng paglagay nito sa mga investment vehicles kung saan mas malaki ang tubo kaysa ilagay mo lang sa bangko.

Example ng investment vehicles ay ang mga Mutual Funds, kung saan merong fund manager na siyang mag-aasikaso sa paglago ng pera mo.

Pwede mo din ito ilagay sa mga VULs (Variable Unit Linked).

Ito naman yung mga life insurance products na may kasamang investments.

Nakakapag-ipon ka na, protektado pa ang pamilya mo kung sakaling may masamang nangyari sayo kasi matatanggap nila yung perang galing sa insurance mo.

Napahaba yata. I hope may natutunan ka.

Comment ka sa baba kung may gusto kang i-dagdag or kung may mga tanong ka.

I-message mo din ako kung gusto mong mag set ng appointment para mapagusapan natin ang personal finances mo.

Pay Yourself First. You deserve it. 🙂

About The Author

Related Posts

Leave a Reply